CHINESE CRIMINALS ‘DI NAPARURUSAHAN

china21

WALANG naparurusahang Chinese criminals lalo na ang mga sangkot sa kidnap for ransom dahil umuuwi sa China ang kanilang mga biktima kaya walang naisasampang kaso.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on games and amusement kaugnay ng criminal activities ng mga Chinese national na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Inamin ni Police Col. Rodolfo Castill Jr., ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP) sa chairman ng nasabing komite na si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na nababalewala ang kaso kapag umuuwi na ang mga biktima ng mga Chinese kidnapper.

“Karamihan sa mga kaso hindi nagpo-prosper kasi once dumating ang complaint sa amin, nag-conduct kami ng rescue operations, nakuha namin sila (mga suspek) wala na po ang mga victim sir umaalis sila pabalik ng China,” ani Castill.

Noong 2010, umaabot sa 10 kidnapping incidents ang naitala ng PNP na kinasasangkutan ng mga Chinese national subalit dahil umuwi na ang mga biktima sa China ay hindi na nasasampahan ang mga ito ng kaso.

Ganito rin ang nangyari sa mga Chinese national na sangkot naman sa prostitution dens.

Ayon kay Police Major Catherine Tamayo-Cipriano ng PNP Legal Service, 10 operasyon ang isinagawa ng PNP laban sa prostitution den na pinatatakbo ng mga dayuhan mula noong 2019.

Sa nasabing bilang, 199 biktima na karamihan ay mga Chinese national ang na-rescue umano ng PNP, 60 suspek ang nahuli kung saan 59 dito ang mga Chinese at isang Saudi national.

Gayunman, 5 lamang umano ang kasong naisampa sa korte dahil ang ilan sa mga biktima ay umalis na ng bansa. BERNARD TAGUINOD

65

Related posts

Leave a Comment