CHINESE WORKERS SA INFRA PROJECTS, NILINAW NG MALAKANYANG

0

NAGPALIWANAG ang Malakanyang sa publiko hinggil sa kinukuwestiyong partisipasyon ng Chinese nationals sa ilang proyektong pang- imprastraktura sa bansa.

Napaulat kasi na may 31% ng mga manggagawa sa Estrella-Pantaleon Bridge ay Chinese habang 69% ay mga Pinoy ganundin sa Binondo-Intramuros Bridge kung saan, 55% ay mga Pilipino at 45% naman ay Chinese workers.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, 100 percent donation ang dalawang ginagawang tulay mula sa pamahalaang China kaya’t hindi naman aniya marahil masama na bigyan sila ng flexibility sa mga manggagawang kanilang kinuha.

Aniya, kung ang proyekto ay galing sa buwis ng mga Pilipino ay tiyak aniyang igigiit ng gobyerno na Filipino workers lang ang kuning mga manggagawa.

Puwede rin aniyang kunin lamang ang serbisyo ng mga dayuhang obrero kung kukulangin ang mga Pinoy na gagawa sa isang proyekto. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment