COMMAND RESPONSIBILITY SA BOC HINILING

BOC-ASF-2

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maging matagumpay ang paglilinis sa mga tiwali sa Bureau of Customs  (BOC), kailangang seryosong ipatupad ang “command responsibility” o panagutin din ang mga opisyal ng mga empleyadong nasasangkot sa korupsyon.

Ito ang iginiit nina Paranaque Rep. Joy Tambunting at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasunod ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 64 empleyado ng BOC administrative section dahil umano sa katiwalian.

“The BoC is an agency known for corruption. The government must take decisive action in rooting out corruption in this agency. Command responsibility should be observed,” ani Tambunting.

Bago ang pagsibak ni Duterte sa 64 administration section employees ng BOC, sinibak ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanyang Chief of Staff (COS) na si Teodoro Jumamil dahil umano sa katiwalian.

Ayon kay Brosas, hindi lang umano ang mga nabanggit na empleyado ang dapat managot sa hindi matigil-tigil na katiwalian sa BOC kundi isama umano ang kanilang amo dahil sa doktrina ng command responsibility kung saan dapat managot ang mga boss sa maling ginagawa ng kanilang mga tauhan.

“Commissioner should be directly liable for this corruption), but we all know that corruption is deeply ingrained in many of the agencies in government, especially in the BoC,” ani Brosas.

Kahit hindi umano sangkot sa katiwalian ang mga amo o namumuno sa isang ahensya tulad ng BOC kung nasasangkot sa katiwalian ang mga taong pinamumunuan nito ay dapat ding managot umano ang mga ito.

“Dapat lamang accountable at naparurusahan ang mga nagkasala sa bayan lalo pa at korapsiyon ang pinag-uusapan. The problem lies in the system of corruption. Kahit pa palitan niya (President Duterte) ng mga militar lahat diyan, it will not resolve the problem. Kapag hindi kabisado ang trabaho, nakalulusot ang mga sindikato. The fight for corruption is having good credible and with integrity people in governance and a fool proof system against corruption,” ayon pa kay Brosas.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment