CONCEPCION GANG SA CONG BATOCABE, DIAZ MURDER

BATOCABE KILLER.jpg

(Exclusive Newsbreak ni PORONG FILIPINO)

ISANG mapagkatiwalaang Saksi sa mga kaganapan sa politika sa rehiyong Bikol ang nagbunyag sa Newsbreak ONLINE na grupo ng hired killers na namumugaran sa lalawigan ng Albay ang inarkila upang itumba si Partylist Rep. Rodel Batocabe.

“Politika sa lokal ang dahilan kaya ipinapatay si Cong Rodel at collateral damage naman ang security escort nitong si SPO1 Orlando Diaz,” bunyag sa Newsbreak ng Saksi na nagsabi pang isang balikbayan na kamag-anak ng nagpapatay ang kumontak sa Concepcion Gang.

Sa mundo ng politika sa Bikol ay kaunti lang umano ang may kabatiran sa “trabaho” ng grupong Concepcion bilang “guns for hire”  na sinasabing malalaking pamilya sa politika ang bumubuhay rito sa anim (6) na lalawigan ng Bikol.

Bunyag pa ng Saksi sa Newsbreak: “Manoy pasaway na tirador digde sa Bikol ‘yang tugang ng vice meyor na nagpapatay kay Cong Rodel.”

Tahimik umanong tao ang balikbayan na kumontak sa Concepcion Gang para itumba si Cong Rodel pero kilala itong “action man” at “operator” ng pamilya tuwing may halalan.

Ang Saksi ng Newsbreak ay miyembro ng isang malaki at maimpluwensiyang pamilya sa Bikol na aktibo sa ngayon sa pagtulong upang masugpo ang katiwalian sa gobyerno.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment