COVID-19 CASES SA PINAS, LAGPAS 30K NA

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas at umabot na sa 33, 069 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan nito.

Dumagdag sa bilang ang 778 cases kung saan 415 ang fresh habang 363 naman ang late cases.

Walo naman ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi na sa sakit at umabot na sa 1,212 ang kabuuang bilang ng mga ito. 255 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit at ngayon ay 8,910 ang kabuuang bilang nito. (D. ANIN)

Related posts

Leave a Comment