DAGDAG BENEPISYO SA SOLO PARENTS APRUB NA

RATIPIKADO na sa Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig ng benepisyo sa hanay ng mga solo parents, ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas
Paniwala ni Brosas na kumakatawan sa sektor ng mga kababaihan, makakatikim na ng bahagyang ginhawa ang inang mag-isang nagtataguyod sa mga anak sa ilalim ng expanded Solo Parents’ Welfare Act.

Gayunpaman, hindi pa lubos ang galak ng kongresista hangga’t hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas para sa tinatayang 15 milyong solo parents.

“Makakaalwan ito lalo sa mga solo nanay na talagang hirap na hirap ngayong pandemya. Dapat na kagyat na pirmahan ito ng Pangulo para mapakinabangan agad ng solo parents natin,” ani Brosas sa isang pahayag.

Sa ilalim ng expanded Solo Parents’ Welfare Act, ginarantiyahan ang 10% diskwento bukod pa sa exemption  sa value added tax (VAT) na kalakip ng bawat bilihin sa merkado – tulad ng gatas, diaper, gamut at iba pang mga pangangailangan ng mga  bata.

Pasok din sa ilalim ng bagong pasang panukala ang P1,000 buwanang cash subsidy, pitong araw na paid paternal/maternal leave sa pinagtatrabahuhang kumpanya o tanggapan ng pamahalaan.

“The new measure will also penalize persons, corporations and agencies which will violate or refuse to grant the benefits mandated for solo parents,” pagtatapos ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

Related posts

Leave a Comment