DAHIL NASIRA; CLARK AIRPORT CONTRACTOR DAPAT MANAGOT

clark121
0

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT managot ang kontratista ng Clark International Airport dahil sa madaling nasira ang ilang bahagi nito nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan malaking tanong kung bakit madaling nasira ang nasabing paliparan sa kabila nang isinasaad sa building code na lahat ng istrukturang itinatayo ay may kakayahang manatili kahit tumama ang magnitude 8 na lindol.

Idinagdag pa ni Gatchalian na malaki ang naging epekto ng pagsasara at pagtigil ng operasyon ng nasabing paliparan dahil sa naging danyos ng lindol kung saan libu-libong pasahero ang na-stranded kabilang ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

“Yes, they should be liable. One, if it is 6.1 earthquake, our Building Code calls to withstand 8.0 magnitude earthquake so bakit at 6.1 ang laki ng damage? Again, airport is a vital installation. 1,000 plus flights got cancelled, almost 200,000 passengers got stranded, just imagine ‘yung mga OFWs na uuwi na sa kanilang mga trabaho ay napinsala pa lahat? So the contractor needs to be answerable to this,” paliwanag pa nito.

Idinagdag pa ng senador na dapat ituloy ang pag-iinspeksyon sa mga vital installations tulad ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT), at power plants upang matiyak na hindi masisira agad-agad ang mga ito dahil lamang sa mahinang lindol.

“I think the PHIVOLCS has a very comprehensive checklist and process on the post-earthquake analysis. Ako ang gusto kong i-focus ay ang mga vital installations gaya ng airports, MRT/LRT, power plants-these are very important kaya dapat tumatakbo ito no matter what happens. Kagaya ng MRT, nu’ng nahinto ang service ang daming na-stranded. Buti na lang walang nakitang problema dahil kung nagkaproblema ‘yan, until now ay may problema tayo sa transportation. The facilities should be reviewed, a magnitude 8.0 earthquake is enough or maybe in the future we can raise it to a higher magnitude so that these facilities can function even with this type of magnitude,” ayon pa dito.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment