Death penalty ipasa bago bumaba sa poder si PDu30 LUTUAN NG SHABU SA PINAS, DADAMI

0

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na babalik ang international syndidate sa Pilipinas para dito magluto ng shabu kapag nawala na sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo
Duterte.

Dahil dito, nais ni House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers na maibalik ang parusang kamatayan habang nasa posisyon pa si Duterte dahil ito lamang ang pipigil sa mga
sindikatong ito na gawing haven ang Pilipinas.

“Hindi matatakot ang mga sindikato na pumasok dito at dito mag-manufacture ng mga shabu para ibenta sa loob at labas ng ating bansa…magiging haven ang bansa ng malalaking sindikato ng droga sa US, Europe at Asia,” ani Barbers.

Ayon sa mambabatas, nabuwag ni Pangulong Duterte ang shabu laboratory ng mga international drug syndicate sa Pilipinas nang maupo ito kaya ipinadadala na lamang ng mga ito sa bansa ang
kanilang ilegal na epektos.

Gayunpaman, sinabi ni Barbers na kapag nawala si Duterte sa Malacañang ay posibleng muling magtayo ng laboratoryo ang mga international syndicate sa Pilipinas.

“Kaya kailangan natin magkaroon ng death penalty dahil kung hindi babalik ang mga iyan dahil wala silang kinatatakutan eh,” ayon pa sa mambabatas na kabilang sa 13 congressmen na
nagsusulong sa pagbuhay sa parusang kamatayan.

Noong Lunes, hiniling ni Duterte sa Kongreso na ipasa na ang nasabing panukala upang matigil ang problema sa ilegal na droga kung saan nais nito na mabitay sa pamamagitan ng lethal injection ang mga sangkot dito. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment