Defensor kay Belgica “PUT UP OR SHUT UP!”

0

“HE should put up or shut up.”

Ito ang mensahe ni House committee on public account chairman at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Grego

Belgica matapos bigong pangalanan ang 12 congressmen na isinangkot niya sa corruption sa public works projects.

Ayon kay Defensor, ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ni Belgica ang alegasyon laban sa mga mambabatas subalit hanggang ngayon ay ayaw niyang pangalanan ang mga ito at wala pang isinampang kaso.

“If that is so, then he should just shut up. If he has evidence that can stand in court, he should file cases against the lawmakers he claims are involved in corruption,” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na hindi makatarungan ang pagtanggi ni Belgica na pangalanan ang mga mambabatas na ito na dahil lahat ngayon ng 300 miyembro ng Kapulungan ay pinagdududahan.

Bukod dito, dinudungisan aniya ni Belgica ang institusyon na pilit ibinabangon sa mga alegasyon nito na walang inilalatag na matibay na ebidensya sa halos 12 congressmen na inaakusahan nito na sangkot sa katiwalian.

“If he cannot support what he is saying, then what is his purpose? To taint all House members and their institution and put them under a cloud of suspicion? We have been trying to improve the image of the House and he is tarnishing it,” ani Defensor.

“Belgica’s job” is not to engage in trial by publicity but to gather evidence and build cases against corrupt officials and file them before the proper forum like the Department of Justice (DOJ) or Office of the Ombudsman,” ayon pa kay Defensor.

Ganito rin ang hamon ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kay Belgica.

“Mahirap pag puro chismis lang. The PACC should walk the talk,” ayon pa kay Garbin. (BERNARD TAGUINOD)

Related posts

Leave a Comment