DESIGNATED SURVIVOR BILL, PINAAAKSYUNAN SA SENADO

0

HINIKAYAT ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga kasamahan sa Senado na simulan na ang pagtalakay sa kanyang panukalang “Designated Survivor” upang matiyak ang katatagan ng operasyon ng gobyerno at maiwasan ang posibilidad ng constitutional crisis at leadership vacuum.

Ipinaliwanag ni Lacson na dahil sa mga nakalipas na insidente tulad ng terorismo, higit nang kailangan ang pagtalakay sa limitasyon ng 1987 Constitution hinggil sa line of succession.

Nagbabala ang senador na kung hindi mareresolba ang isyu hinggil sa line of succession na nagtatapos sa Speaker of the House of Representatives, posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung ang apat na top elected officials ay mawala.

“A constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” saad ni Lacson.

Kung mangyari anya ito, hindi malinaw kung sino ang aakto bilang Pangulo hanggang sa susunod na halalan.

Sa kasalukuyan, ang line of presidential ay kinabibilangan ng Vice President, Senate President at House Speaker, alinsunod sa 1987 Constitution.

Sa panukala ni Lacson, sa pagtatapos ng line of succession batay sa konstitusyon, maaaring ikonsidera ang most senior Senator, batay sa haba ng kanyang serbisyo; most senior Representative batay sa haba ng serbisyo; at ang miyembro ng gabinete na itinalaga ng Pangulo.

Nakasaad sa panukala na bago ang mga public o private activity na dadaluhan ng Pangulo, Vice President at ranking officials, magtatalaga ang Punong Ehekutibo ng miyembro ng gabinete na hindi kasama sa okasyon.(DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment