DESISYON NI DUTERTE SA DEPLOYMENT BAN HINIHINTAY

duterte32

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT hintayin ng lahat ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tuluyan nang ipagbawal ang pagpapadala ng mga domestic worker sa bansan Kuwait.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go kailangang hintayin ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu.

Paliwanag ni Go, binabalanse ni Duterte ang mga mawawalan ng trabaho sa deployment ban at kailangang matiyak ang kapakanan ng nakararami.

Nilinaw ni Go na hanggang walang kautusan ang Pangulo ay tuloy ang planong pagtungo nito sa Kuwait ngayong unang bahagi ng taon.

Iginiit ng senador na mula sa nilagdaang kasunduan ng Kuwait at Pilipinas ay marami ring pinagbigyan ang Kuwaiti government.

Tiniyak naman ni Go na hangad nito at ni Duterte na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Jeanelyn Villavende ng kanyang mga among babae sa Kuwait.

 

107

Related posts

Leave a Comment