‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO

0

(NI KIKO CUETO)

HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

“Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB.

“Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito.

Kwento ni Dexter, na siyang nagsisilbing tagapagsalita ng pamilya, nakita nila ng personal ang mga suspek.

Hindi man nagsalita ng sorry, naniniwala si Dexter na nagsisisi ang mga suspek.

“Medyo may remorse sa mukha nila,” sinabi nito, sabay pag-amin na siya at ang kanyang ama na PMA graduate, ay hindi sinugod ang mga suspek.

“Tinignan lang namin sila ng tatay ko. Sabi ng tatay ko, balita ko hindi kayo na-haze dati. Hindi kayo marunong mag-haze, ano? Nakayuko lang sila,” sinabi ni Dexter na sinabi umano ng tatay nila.

Sinabi rin ni Dexter na sinabi ng kanilang ama kay Darwin na may kakaharapin siya na paghihirap bilang PMA cadet.

“Aware na aware naman yung kapatid ko kasi pinrangka siya ng tatay ko na ganito yung nangyayari diyan sa loob,” sinabi nito.

Pero inamin ni Dexter na hindi nila inakala na mangyayari ang araw-araw na pambubugbog.

“Hindi lang po napaghandan at di namin na-foresee eh yung araw-araw na mabubugbog siya,” sinabi nito.

Sinabi ni Dexter na ang 20-taong gulang niyang kapatid ay kinuryente rin , base sa autopsy findings.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment