DOLE: 34,253 OBRERO NABIGYAN NA NG SUBSIDY

IBINALITA ng Inter-Agency Task Force (IATF) na natanggap na ng 34,253 manggagawa ang one-time P5,000 subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang nasabing halaga ay tulong sa mga manggagawang lubos na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Maliban sa P5,000 CAMP subsidy, ang DOLE ay nakapag-distribute na rin ng 165,929 family food packs para sa mga manggagawa.

Sa kabilang dako, sinabi ni CabSec Nograles na maaaring dumirekta ang mga apektadong manggagawa sa DOLE lalo na kung ang kani-kanilang mga employer ay walang pagkukusa para makapag-avail ng naturang programa. CHRISTIAN DALE

57

Related posts

Leave a Comment