DOLE PINAGHAHANDA SA PAGLALA NG SITWASYON SA HK

hong12

(NI BETH JULIAN)

PINAGHAHANDA ng Malacanang ang Departmet of Labor and Employment (DoLE) sakaling lumala ang sitwasyon ng malawakang protesta sa HongKong.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, responsibilidad ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng mga Filipino na nasa HongKong.

Ito ay sa gitna ng malawakang protesta ng mamamayan doon kontra sa kanilang extradition bill.

Naniniwala ang Malacanang na walang dapat na ikabahala ang mga Pinoy na nasa HongKong.

Sinabi ni Panelo na may mas malaking mass protest na isinagawa doon noon pero hindi naman naapektuhan ang mga naroroong Filipino.

Una nang sinabi ng Malacanang na ipinauubaya na sa DoLE ang pagtugon para sa mga Pinoy na nananatili sa HongKong sa gitna ng malawakang protesta.

Ang extradition bill ay isang panukala na pagpapadala ng HongKong national na nagkasala patungo sa China.

 

147

Related posts

Leave a Comment