DU30 TIWALA PA RIN KAY DUQUE – PANELO

duque21

(NI BETH JULIAN)

HAWAK pa rin ni Health Secretay Francisco Duque ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa harap ng reklamong plunder o pandarambong na kinakaharap ngayon ni Duque.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Panelo na hinihintay pa nila ang paliwanag ng kalihim.

Bagama’t ang reklamo ay conflict of interest, sinabi ni Panelo na kailangan munang malaman ang estado ni Duque sa sinasabing gusali ng pamilya.

Ayon kay Panelo, maaaring nag-divest na noon pa si Duque sa share nya  sa nasabing ari arian.

Sinabi pa ni Panelo na kapag ganoon  ang scenario ay hindi na applicable pa ang conflict of interest.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na nananatiling inosente si Duque hangga’t hindi pa napatutunayang guilty beyond reasonable doubt.

Nag-ugat ang reklamong pandarambong kay Duque dahil sa umano’y pagmamay-ari nito ng isang gusali sa Pangasinan na ipinarerenta sa PhilHealth Regional Office.

 

88

Related posts

Leave a Comment