DUTERTE ‘DI NAKADALO SA MITING DE AVANCE NG HUGPONG

duterte123

DAVAO CITY – No show si Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), sa kanyang balwarte rito.

Nakatakda sanang dumalo ang Pangulo, ngunit ayon sa kanyang trusted aide at Senate aspirant Bong Go, pagod umano ang Pangulo at kailangan nitong magpahinga.

Galing ang Pangulo sa isang campaign sortie ng kanyang political party PDP-Laban, sa Bohol nitong Miyerkoles.

Ang pagdalo sana ng Pangulo ang unang pagkakataon sa Hugpong kundi sumama ang pakiramdam nito.

Sa buong panahon ng kampanya, tanging ang campaign sorties ng PDP-Laban at kanyang guest candidates lamang ang dinaluhan ng Pangulo.

 

99

Related posts

Leave a Comment