EX-BOC OFFICIAL PINAGMULTA SA ITINAGONG SALN

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS mag-plead ng guilty at pag amin sa kanyang  kasalanan,pinatawan ng P15,000 na multa ng Sandiganbayan ang dating deputy commissioner ng Bureau of Customs dahil sa hindi pagdedeklara ng lahat ng yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

Si Prudencio Reyes Jr. ay hinatulang guilty  sa tatlong kaso ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa datos ng kaso nabatid na pumasok sa plea bargaining agreement si Reyes kaya iniurong ng prosekusyon ang kasong falsification laban dito.

Lumilitaw na hindi idineklara ni Reyes sa kanyang SALN noong 2010 at 2011 ang kanyang business interest sa All in One Entertainment Corp., Prudence Group of Companies, at 005 Honda TMX123 motorcycle.

Sa arraignment nito Mayo 10 ay naghain si Reyes ng guilty plea.

Sa walong-pahinang desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na dahil nag- plead ng guilty si Reyes ay inaako nito ang kasalanan at ang consequence nito kabilang na ang hindi na siya maaaring mamasukan sa anumang sangay ng gobyerno.

 

78

Related posts

Leave a Comment