EX-TOURISM SEC DURANO PINAYAGANG MAG-ABROAD

ace12

(NI JEDI PIA REYES)

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan 7th division ang mosyon ni dating Department of Tourism secretary Ace Durano na maka-biyahe patungong Australia sa susunod na buwan.

Sa isang resolusyon, kasabay ng pagpayag ng korte na makalabas ng bansa si Durano ay kailangan nitong maglagak ng travel bond na nagkahalaga ng P60,000.

Batay sa motion to travel ni Durano, ang kanyang biyahe sa Australia ay mula sa Hunyo 2 hanggang 15, 2019.

Kung mabigo naman si Durano na makabalik ng Pilipinas matapos ang biyahe nito sa Australia, tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso nito.

Si Durano ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga DOT wall calendar na nagkakahalaga ng P2.7 million noong 2008.

Ayon sa prosekusyon, hindi dumaan sa public bidding ang pagbili ng mga kalendaryo.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment