FACE-TO-FACE CLASSES SA CEU APRUB NA RIN

APRUBADO na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang plano ng Centro Escolar University (CEU) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon mismo kay Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso, ang plano ng CEU ay inaprubahan na nito sa ginanap na meeting sa pagitan ng mga opisyal ng CEU na kinabibilangan nina CEU School of Dentistry Dean Dr. Pearly Lim, CEU Community Dentistry head Dr. Felipe Wilfredo Espineli at CEU Security Department head Col. Nicanor Grino.

Sinabi ni CEU President Dr. Maria Cristina Padolina, na kinatawan ang CEU department heads, kay Moreno na ang graduation ng kanilang mga estudyante ay naantala dahil sa kawalan ng practicum dulot ng ipinatupad na quarantine restriction ng gobyerno.

Nabatid na sakop ng limited face-to-face classes ang graduating students mula sa School of Dentistry.

Sanhi ng basbas na ibinigay ni Isko, sisimulan na ng CEU na tugunan ang requirements na ipinatutupad ng Commission on Higher Education (CHEd) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagdaraos ng limitadong face-to-face class. (RENE CRISOSTOMO)

62

Related posts

Leave a Comment