FRANCHISE NG ABS-CBN TATALAKAYIN BAGO MATAPOS ANG 2019

0

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS madedma noong 17th Congress, ngayong 18th Congress ay sisimulang  talakayin ng House of Representatives ang franschise renewal application ng media giant na ABS-CBN.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, bago matapos ang 2019 ay isasalang na nila sa deliberasyon ang legislative franchise renewal para sa 25 taon pa ng ABS-CBN.

“There are issues with the media, but there are also challenges with

social media… There are issues that we have to tackle first and foremost is the freedom of the press.

“Maybe before the end of the year, probably the hearings will start,” paliwanag ni Cayetano.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020.

Noong nakaraang taon ay hindi ito natalakay at ngayong 18th Congress ay umaasa sina Batangas Rep Vilma Santos, Pangasinan Rep Baby Arenas at Laguna Rep. Sol Aragones na kapwa naghain ng magkakahiwalay na resolusyon na humihiling na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN na matalakay na ito sa katwirang malaking kontribusyon ang kumpanya sa larangan ng sining at entertainment.

Ang hindi pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN ay dahil na rin sa pagiging kritikal nito sa administrasyong Duterte.

Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na tutol sya sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil na rin sa hindi umano inIere ng istasyon ang mga political advertisements nito noong 2016 Presidential campaign kahit pa man bayad na ang mga ito.

Taong 2017 pa nang maghain ng aplikasyon para sa renewal ng prangkisa ang ABS-CBN subalit hindi ito dinidinig ng Kamara.

Inamin ni Pangulong Duterte na ilang emisaryo na ang ipinadala ng mga may ari ng ABS-CBN sa kanya subalit ayaw nya itong kausapin.

Sinabi ni Cayetano na ngayong kasalukuyang Kongreso ay pagiging patas ang kanilang paiiralin.

“It is Congress’ obligation to exercise fairness and to bring out those real issues and to give the other side the  opportunity to respond and determine who is right,” paliwanag ni Cayetano.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment