GABINETE PUPULUNGIN NI PDU30 BUKAS

NAKATAKDANG magdaos ng cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bukas (Lunes) Disyembre 14.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pa siyang impormasyon kung ano ang magiging agenda sa cabinet meeting subalit sakali aniyang makakuha ito ng detalye ay agad niya itong ihahayag bago ang kanyang afternoon press briefing bukas.

Aniya, ngayong taon ay hindi naging madalas ang pagpupulong ng gabinete dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng pandemya.

Sinabi pa ni Sec. Roque, na madalang na lamang ang ipinatatawag na Cabinet meeting ni Pang. Duterte dahil na rin sa pag-iingat na hindi mahawaan ng COVID-19.

Subalit, kahit bihira ang mga pagpupulong na ito ngayong 2020, nais pa rin ng Chief Executive na makausap nang personal ang mga cabinet official. (CHRISTIAN DALE)

74

Related posts

Leave a Comment