GIIT NI CARPIO: KAPITAN NG CHINESE VESSEL KASUHAN

rectobank12
0

(NI HARVEY PEREZ)

IGINIIT nitong Sabado ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio dapat magkaroon ng matibay na paninindigan  ang gobyerno ng Pilipinas laban sa ginawa ng isang Chinese vessel na bumangga sa isang fishing vessel ng mga Filipino na mangingisda na naka angkla sa isang bahagi ng West  Philippine Sea noong Hunyo 9.

Dapat umano na makasuhan at pagbayarin ng Pilipinas ang kapitan ng naturang Chinese vessel.

Kasabay nito, tiniyak ni Carpio na hindi isang ordinaryong Chinese vessel ang ibinangga sa FB Gimver 1 na sinasakyan ng may 22 na mangingisda.

Sinabi ni Carpio na naniniwala siya na ito ay isang Chinese militia vessel  dahil ito lamang ang may kakayanan na bumangga at ang mga crew nito ay mga sinanay at inorganisa ng People’s Liberation Army (PLA).

Nabatid na ang  ganitong uri ng Chinese vessel rin ang bumangga ilang taon na ang nakakalipas sa isang Vietnamese vessel.

Malaki ang paniniwala ni Carpio na ang ginawa ng Chinese vessel ay isang paraan para itaboy ang mga Filipino na nangingisda sa WPS.

Iginiit pa ni Carpio na ang ginawa ng  China ay isang maliwanag na paglabag sa  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kamakailan ay namataan ang mga Chinese maritime militia vessels na pagala- gala sa karagatan sakop ng Pagasa Island at iba pang bahagi ng karagatan ng Spratly Islands at itinataboy ang mga mangingisdang Filipino.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment