GOBYERNO, PINAGHAHANDA SA PAGTAAS PA NG COVID-19 CASES

HINIMOK ni Senador Leila de Lima ang gobyerno na tiyakin ang kahandaan sa posibilidad ng pagtaas pa ng kaso ng COVID 19 dahil sa posibleng pag-usbong pa ng mga bagong variant.

Sinabi ni de Lima na dapat laging handa ang gobyerno sa mga dagdag na kaso ng COVID 19 upang maiwasang madagdagan pa ang mga namatay o nahihirapang pasyente.

Iginiit ng senador na dapat maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo upang labanan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID at magpatupad ng pandemic-related responses.

Binigyang-diin ni de Lima na dapat matiyak ang pondo sa tuloy-tuloy na pagbakuna, testing, contact-tracing, isolation, social amelioration at livelihood assistance para sa mga apektado.

Iginiit ng senadora na sa gitna ng pagsipa ng kaso ng Omicron, mas marami pang variant ang maaaring umusbong.

Kailangan anyang palaging nakasusunod ang gobyerno sa latest scientific developments at best practices laban sa pandemya.

Dapat anyang maiwasan na ang pagpapatupad ng regionwide lockdown at mas pinaboran ang localized lockdowns. (DANG SAMSON-GARCIA)

Related posts

Leave a Comment