GORDON ‘SASAWSAW’ NA SA PASTILLAS PROBE

SEN RICHARD GORDON

PAPASOK na rin si Senador Richard Gordon sa pag-iimbestiga sa nakikitang anomalya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa pamamagitan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa pahayag, sinabi ni Gordon na anomang oras, puwedeng magsagawa ng imbestigasyon ang Blue Ribbon hinggil sa sinasabing “pastillas” scheme sa airport na maluwag na nakapapasok ang kriminal mula mainland China kapalit ng malaking halaga.

Aniya, sasanib-puwersa na siya sa pag-iimbestiga ng anomalya sa POGO sa isinasagawang imbestigasyon ni Senador Risa Hontiveros hinggil sa prostitusyon at iba pang krimen tulad ng human trafficking at kidnapping.

“I can always come in with all due respect to my fellow senators. I can motu proprio and say I’ve had enough, may nakikita akong malfeasance dito sa BI, sa Internal Revenue, sa PAGCOR. Nag-usap na kami ni Risa (Hontiveros). Sabi ko, ‘When you’re ready, papasok ang Blue Ribbon with your permission’ dahil siya ang siyempre nag-iimbestiga diyan, siya ang nag-expose,” ayon kay Gordon.

Sinabi ni Gordon na kasalukuyang nananaliksik ang Blue Ribbon hinggil sa mga krimen at iba pang isyu na may koneksiyon sa iregularidad sa operasyon ng POGO tulad ng isyu sa tax evadion at biglaang pagtaas ng bilang ng Chinese nationals sa bansa.

Dalawang beses nang nag-imbestiga si Hontiveros hinggil sa “pastillas” modus sa NAIA kung saan ibinabalot ang lagay na P10,000 kada Chinese nationals pero higit pa kapag kriminal, sa isang puting papel upang maluwag na makapasok ng bansa.

Idinagdag pa ni Gordon na lubhang nakababahala ang pagtaas ng bilang ng Chinese nationals sa bansa dahil sumirit ang renta sa mga apartment at housing units partikular sa mga subdivision na ginagamit ng Chinese nationals.

“Ang damage sa ating lipunan niyan, napakalaki. Hindi lang ‘yung kulang ‘yung binabayad niyan. Nadi-distort ‘yung values natin at you suddenly have, ang dami-daming mga Chinese na pumapasok dito, sabi tourists; ngayon, maraming POGO,” aniya. ESTONG REYES

57

Related posts

Leave a Comment