GRANULAR LOCKDOWN DAPAT MAY ABISO

0

IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government units (LGUs) ang pagbibigay ng sapat na abiso sa mga lugar na ilalagay sa granular lockdown pati na rin ang pagpapatupad ng bagong alert level system upang mapaghandaan ito ng mga apektadong indibidwal o mga negosyo.

“I am in favor of granular lockdown as long as the public is informed in advance para makapag plano sila. Like for example, kung bababa tayo to alert level 3, yung capacity ng restaurants at 50% al fresco obviously kailangan mo ng mas maraming waiter. Papapasukin mo yung mga waiters mo. Hindi pwedeng surprise announcement ‘yan kasi kawawa yung mga negosyo and this alert level is really meant for economic activity,” ani Gatchalian.

Sang-ayon ang Senate Economic Affairs Vice Chairperson sa prinsipyong isinusulong sa mga bagong patakaran na naglalayong unti-unting buksan ang ekonomiya habang pinangangasiwaan ang kasalukuyang krisis sa kalusugan.

“This is really a balancing act. Kahit mataas ‘yung COVID-19 cases, nakakapag trabaho na ‘yung mga kababayan natin. Now the areas that should be open or not are pinpointed. But the public needs to be informed in advance because how can you plan? It has to be broadcast ahead of time so that ‘yung mga negosyo, pwede silang magplano,” paliwanag ni Gatchalian.

Sa panuntunang inilabas ng IATF noong Setyembre 13 para sa paunang implementasyon ng alert levels system sa National Capital Region (NCR), iniatang sa mga city at municipal mayors ang pagpapatupad ng granular lockdown kung kinakailangan sa kanilang mga nasasakupang lugar sa loob ng 14 na araw o mas mababa pa. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment