GUIDELINES SA AYUDA PWEDENG BAGUHIN NI PRRD

0

MAAARING sundin ng pamahalaan ang P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada pamilya na cash aid template para sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pwede ring baguhin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang guidelines at gumawa ng panibagong kautusan.

“‘Yung ginawa natin last time, I don’t think na magbabago pa rin ‘yan. The same pa rin unless may advice galing kay pangulo. Otherwise, ‘yun ang ipa-follow natin.

Kung ano ang template nung nakaraan, ‘yun din ang gagamiting template,” ayon kay Nograles.

Nitong Biyernes, sinabi ng Malakanyang na ang guidelines para sa pamamahagi ng ayuda ay ipalalabas sa lalong madaling panahon.

Sa ulat, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.

“Mapait na desisyon ito pero ito ay para sa kabutihan ng lahat,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Idinagdag ni Roque, na simula sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.

“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.

Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.

Ilalabas umano ang patakaran tungkol dito at sa usapin ng transportasyon sa mga susunod na araw.

Sa ilalim ng ECQ, tanging “essential” na serbisyo at manggagawa ang papayagan lumabas at mag-operate. Bawal ang indoor at al fresco dining.

Kaugnay nito, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na daang bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya ng bansa sa panibagong pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.

Nagpasya ang Malakanyang na aprubahan ang rekomendasyon ng government inter-agency task force (IATF) na isailalim ang NCR sa ECQ matapos umapela ang mga alkalde sa Metro Manila na higpitan ang quarantine classification dahil sa tumataas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, posibleng pumalo sa 2,000 bawat araw ang COVID-19 cases sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Noong Biyernes, nasa 1,100 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, indikasyon ng pagtaas ng COVID-19 transmission rate sa lungsod.

Ito na ang ikatlong beses na isasailalim sa ECQ ang Metro Manila mula nang magkaroon ng pandemya. Una ay noong March 16 hanggang May 14, 2020 at sumunod noong March 29 to April 11, 2021.

Sa ilalim ng patakaran tungkol sa pandemya, kapag ipinatupad ang ECQ ay magkakaloob ang pamahalaan ng cash aid sa mga apektadong residente ng P4,000 hanggang P8,000 sa bawat tahanan. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment