GUILTY VERDICT SA MGA AMPATUAN INAASAHAN

(NI ABBY MENDOZA)

KUMPIYANSA  si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu na guilty ang magiging sentensya laban sa may 101 akusado na babasahan ng sakdal sa promulgasyon ng Maguindanao Massacre case sa Disyembre 19.

Ayon kay Mangudadatu, naniniwala siya na ang pagpayag ng Korte Suprema na magkaroon ng live coverage sa promulgation ng kaso ay dahil guilty ang hatol.

“When it was forwarded to me the decision of SC yesterday, in my mind talagang may solid verdict na guilty, sigurado kaming may guilty verdict yan sa mga suspek,”paliwanag ni Mangudadatu.

na namatayan ng asawa at dalawang kapatid sa massacre na naganap noong November 23,2009.

Sakali man na baligtad sa inaasahan ang maging hatol at mapalaya ang mga akusado, sinabi ni Mangudadatu na hindi niya ito susukan at ilalaban ang kaso hanggang sa makamit ang hustisya.

Gayunpaman, sa tindi umano ng ebidensya at sa dami ng testigo ay nakasisiguro na may solidong kaso laban sa mga Ampatuan.

“May Court of Appeals pa, may Supreme Court pa. Posibleng guguluhin nila, they will rattle the minds of the judges. Ito hindi ako abugado, pero gagawin nila ‘yan. Hindi kami mawawalan ng lakas loob na lumaban,”dagdag pa nito.

Nasa 58 katao, kabilang ang 32 journalists  ang napatay sa massacre,may 100 armadong suspek ang humarang sa convoy ng mga biktima na  patungo noon sa Commission on Elections(Comelec) para sa paghahain ni Mangudadatu ng  certificate of candidacy bilang gobernador.

Sa 197 akusado ay 101 ang sisintensyahan sa Disyembre 19.

 

185

Related posts

Leave a Comment