Higit 21K na KASO NG COVID-19 SA PINAS, NADAGDAGAN PA

PATULOY sa pagdagdag ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019.

Sa huling ulat ng Department of Health, umaabot na sa 21,340 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang ahensya ng 714 na panibagong kaso.

111 naman ang panibagong nadagdag sa bilang ng recoveries na umaabot na sa kabuuang 4,441. Habang ang mga nasawi ay nadagdagan pa ng pito kaya umakyat na sa bilang na 994 ang kabuuan nito.

Samantala, walong Filipino ang nadagdag sa panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 13 Pinoy naman ang nadagdag sa bilang ng recoveries na nakabase sa Amerika at Europe.

Dalawa namang Pinoy ang panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa virus.

Nasa 13 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng DFA hanggang June 6, umakyat na sa 2,225 ang overseas Filipinos na gumaling sa nakahahawang sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na oversease Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,349 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 838 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 657 naman ang kaso sa America at 521 sa Asia Pacific Region. (D. ANIN)

Related posts

Leave a Comment