Himok sa utility companies WALA MUNANG PUTULAN

0

SA gitna ng nararanasang pandemya, hinimok ng isang senador ang pamunuan ng mga public utility na magpakita ng malasakit sa maliliit na consumers na hindi pa makapagbayad ng kanilang utang sa nakonsumong kuryente o tubig simula nang magsimula ang panahon ng COVID-19 pandemic, at pag-aralan ang posibilidad na palawigin pa ang kanilang no disconnection policy para sa mga ito.

Ang panawagan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ay kasunod na rin nang mga ulat na nakatakdang magputol na ng serbisyo ang ilang public utilities upang mapigilan na lalong mabaon sa utang ang kanilang mga consumer.

Kasabay nito, hinimok din ni Go ang pamahalaan na pag-ukulan ng pansin ang naturang isyu at iprayoridad ang kapakanan ng mga ordinaryong mamamayan sa pamamagitan nang paghahanap ng paraan at iwasan na dagdagan pa ang mga pasanin ng mga tao na hirap na ngang idaos ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

“Ilang buwan nating pinagbawalan ang karamihan na makapagtrabaho at maghanapbuhay. Ilang buwan din natin silang pinilit na manatili lang sila sa kanilang mga bahay. Hindi na nga makabili ng pagkain, paano pa ba yan makakabayad ng kuryente,” anang senador.

Kaugnay nito, patuloy namang umaapela si Go sa mga pribadong sektor na tumulong upang mabawasan ang pasanin ng mga ordinaryong mamamayan, bilang bahagi ng kanilang kontribusyon sa pagbabayanihan para malampasan natin nang sama-sama ang krisis.

“Magtulungan po tayo. Habang ginagawa ng gobyerno ang lahat upang makatulong, hinihikayat ko rin ang pribadong sektor na patuloy na makipagtulungan. Sama-sama nating iahon ang ating mga kababayan mula sa hirap na dulot ng pandemyang ito,” aniya pa. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment