HIRIT SA SENADO: CUSTOMER NA HIHINGI NG PLASTIC STRAW MAGBABAYAD

angara12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK  ni Senador Sonny Angara ang mga manufacturers ng pre-packed beverages na bumalangkas ng environment-friendly designs para sa kanilang mga produkto upang matigil na ang paggamit ng mga plastic drinking straws.

Sa halip anya na i-ban ang plastic straws, sinabi ni Angara na maaaring pagbayarin ng mga establisiyimento ang mga customer na gagamit pa rin ng plastic straws.

Sa kanyang Senate Bill 954 o proposed straw regulation act, nais ni Angara na mabago ang kaugalian ng mga consumer gayundin ng mga manufacturers at commercial establishments para sa proteksyon sa kalikasan.

Alinsunod sa panukala, lahat ng commercial establishments na nagbebenta ng mga inumin kasama na ang mga sari-sari stores at supermarkets ay oobligahin na maningil ng P2 sa bawat plastic straw.

Wala namang bayad ang mga straw na gagamitin para sa medical purposes, para sa mga senior citizens at persons with disabilities at mga indibidwal na limitado ang paggalaw dahil sa stroke, arthritis at iba pang medical conditions.

“Plastic straws will only be provided upon request by the customers. We should consciously put a stop to the practice of automatically providing straws to customers upon buying their beverages,” saad ni Angara.

“We also want the manufacturers of these pre-packed beverages to start coming out with new designs for their products so that consumers would be able to drink these without the use of straws,” dagdag pa nito.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatayo ng  straw disposal at collection facilities sa lahat ng commercial establishments upang matiyak na mare-recycle nang maayos ang mga straw.

Ang mga establishment na lalabag ay pagmumultahin ng hanggang P10,000 sa first offense;  P20,000 sa second offense at P50,000 kasama ang kanselasyon ng business permits sa mga susunod na offense.

Ang mga makakalap na pondo mula sa mga multa ay gagamitin sa environmental programs na nakapokus sa proteksyon at paglilinis ng Philippine waters, rivers, seas at oceans, kabilang ang information at awareness campaign sa epekto ng plastic drinking straws sa aquatic animals at marine ecosystems.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment