HOME GARDENING PARA IWAS BURYONG

IMINUNGKAHI ni Senador Cynthia Villar sa sinomang nababagot sa bahay habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na magsagawa ng home gardening na bukod sa magiging produktibo ang panahon, may inaasahan pang aanihin pagdating ng oras.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay.

“Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can start alone or with your family. It’s a way of introducing agriculture to our children,” ayon kay Villar.

Ayon kay Villar, may tutorials sa internet tungkol basic instructions sa home garden.

“Hindi kailangan ng malaking lupain. You can plant in small spaces or containers and start with crop varieties that are easy to grow like pechay, sili, tomato, eggplant, okra, calamansi, among others,” aniya.

Idinagdag pa ni Villar na dapat isulong ang urban agriculture at vertical gardening para manatili ang mga tao sa kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. ESTONG REYES

Related posts

Leave a Comment