Honasan nagisa sa Senado PASILIDAD NG DICT PINAHIRAM SA DITO

0

GINISA ni Senador Imee Marcos si dating Senador Gregorio Honasan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagpapahiram ng pasilidad ng ahensiya sa Dito Telecommunity nang walang bayad o libre.

Sa ginanap na pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng DICT para sa 2022 nitong Lunes, ipinalutang ni Marcos ang report ng Commission on Audit (COA) na pumupuna sa DICT sa pagpapahiram ng pasilidad nito sa Dito nang walang bayad.

“There’s also an issue regarding the DICT lending facilities for free to Dito [Telecommunity]. What facilities were leased, and do other telcos lease or borrow for free facilities from DICT? Why is this practice undertaken?” tanong ni Marcos sa ginanap na pagdinig ng Senate finance.

Ikinatuwiran naman ni Honasan, sa pagsasabing “(we are) at a loss, when we are publicly, through media, or otherwise, confronted with issues like this.”

Sinabi niya na dumaan sila sa “trial by publicity” nang iulat ng media ang pagpuna ng COA.

Pero, sinabi ni Marcos na kanyang pinagbasehan ang opisyal na dokumento at hindi ang news report. Aniya, pinalutang niya ang isyu nang simulan ng Senado ang debate sa badyet ng DICT.

“As much as possible, I try to use official documents. Eh, ito official document na, nasa COA na eh,” aniya kay Honasan na dati ring senador.

Sa pagtugon sa ngalan ni Honasan, ipinaliwanag ni Undersecretary Emmanuel Caintic na dati nang ginagawa ang pagpapahiram ng pasilidad ng gobyerno sa telecommunication companies bago pa man naitayo ang DICT.

Pero hindi sapat para kay Marcos ang paliwanag dahil unang pagkakataon ito na pinuna ng COA. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment