HOTEL ISOLATION SA MEDICAL WORKERS

0

HINAHANAPAN na ng gobyerno hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID 19.

Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may negosasyon na para sa matutuluyan ng mga medical worker ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.

Tinatayang nasa 80 mga kuwarto ang sinisikap ng gobyerno na mailaan para sa mga taga-PGH, 20 kuwarto para sa mga taga-East Avenue ganundin para sa mga taga-Lung Center at NKTI.

Ani Galvez nais nilang matiyak sa mga health worker na naririto ang gobyerno at nakahandang ibigay ang suporta sa kanila sakali mang matamaan sila ng virus.

Samantala, nagpahayag ng paghanga si Galvez sa mga health worker na personal niya umanong nasaksihan ang dedikasyon na labis na nakapagbibigay ng inspirasyon. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment