HOUSE AND LOT SA VALEDICTORIAN NG PMA AT PNPA, IBIBIGAY NI PDU30

MAKATATANGGAP ng house and lot ang bawat valedictorian ng mga nagsipagtapos mula sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) sa taong kasalukuyan.

Ang recipients ng house and lot ay sina Cadet First Class Gemalyn Sugui ng PMA Masidlawin Class of 2020 at Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo ng PNPA Mandayug Class of 2020.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati sa virtual commencement exercises na idinaos sa Malakanyang na ang house and lot ay donasyon ng Villar-led Vista Land & Lifescapes Inc.

Samantala, in-award naman ni Pangulong Duterte ang Rock Island Armory .45 caliber pistol sa bawat isa sa class “goats” o para sa mga nagtapos ng huli sa overall ranking.

Ang mga ito ay sina Second Lieutenant Rexllwyn Johanne Olivo Eson (Philippine Army) at Police Lieutenant Al Shadat Hassan Abdurajak (Philippine National Police).

“Goat, I salute you also,” ayon kay Pangulong Duterte.

Pinatawad naman ni Pangulong Duterte ang mga kadete na nakagawa ng iba’t ibang kasalanan. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment