Ika-7 sa ‘best places’ sa 80 bansa PH, BABANGON MATAPOS ANG UNOS

AMINADO ang administrasyong Duterte na napakalaki ng dagok ng iba’t ibang mukha ng “community quarantine” (CQ) sa halos lahat ng panig bansa, kundi man lahat.

Luzon ang nakatikim ng matinding tama nasabing unos, sapagkat 75 porsiyento ng mga pang-ekonomiyang gawain ay dito  matatagpuan.

Mauunahan GDP ng Tsina

BAGO magkaroon ng CQ, kumbinsido ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na matayog ang mararating ng Pilipinas ngayon taon dahil sa agresibong pagkilos ng marmaing gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

Katunayan, paniwala nila ay posibleng maungusan ng Pilipinas ang “gross domestic product” (GDP) ng Tsina na mahigit pitong porsiyento.

Mahigit 6% ang GDP ng bansa.

Kumbinsido ang economic managers ni Duterte na maaaring lumampas ito sa anim na porsiyento.

Ang GDP ay sukatan ng kalagayan ng ekonomiya ng mga bansa kabilang ang mga kontrolado ng partido komunista tulad ng People’s Republic of China at Demoratic People’s Republic of Korea (North Korea).

Ang GDP ay kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa at inialok sa merkado sa  isang panahon (kwarter o buong isang taon).

P700 bilyon nawala sa GDP

INAMIN ni Acting Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Mayo 1 na umabot na sa P700 bilyong halaga ng iba’t ibang gawang pang-ekonomiya sa marmaing panig ng bansa, partikular na sa Luzon na isinailalim sa “enhanced community quarantine” (ECQ) ni Duterte.

Kapag nagpatuloy na ‘patay’ ang ekonomiya, siguradong aangat pa sa P1.1 trilyon ang halagang malalagas sa GDP.

Mangyayari ‘yan kung mananatili sa “zero growth” ang ekonomiya, paliwanag ni Chua.

Hindi ito nakapagtataka, sapagkat ang inaasahan namang mababawasan ng dalawang porsiyento ang pag-angat ng ekonomiya ng mundo, paniwala ng Congressional Research Service ng Amerika.

Ika-7 sa 10 mahuhusay na bansa

NAKAPOSISYON ang Pilipinas bilang ikapitong “best place for businesspeople” sa 80 bansa.

Ito ang lumabas sa sarbey na isinagawa ngayong taon ng CEOWORLD.

Resulta ito ng pag-aaral sa kalagayan ng Negosyo at pamumuhunan, antas ng korapsyon, kalayaan, puwersa ng paggawa, proteksyon sa mga namumuhunan, inprastraktura, buwis, kalidad ng pamumuhay ng mga tao, red tape, kahandaan sa teknolohiya ng  80 bansa.

Kaya, malaking bagay ang mapabilang ang Pilipinas sa sampung bansang pasok sa isipan ng mga negosyante.

Naunahan ng Pilipinas ng isang puntos ang Estados Unidos sa panlasa ng mga negosyante sa 80 bansa.

Ang una sa listahan ay ang Singapore, samantalang ika-10 ang Czech Republic na matatagpuan sa Central Europe.

Ang iba pa ay ang United Kingdom (2), Poland (3), Indonesia (4), India (5), Autstalia (6) at Malaysia (9).

Nakahanda ang turismo

TINIYAK ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa mga senador na ang Department of Tourism (DOT) ay naghanda ng “tourism response program that will help resuscitate the sector.”

Ito ay ang pagbuhay at pagpapalakas ng lokal na turismo sa panahong pinalitan na ang ECQ sa Luzon nitong Mayo 15.

“It is important that we embrace the new normal and equip our industry stakeholders with the appropriate tools and knowledge to recover and succeed in the post-lockdown era,” paliwanag ni Puyat sa mga senador.

Ayon naman kay Undersecretary Art Boncato, nakahanda na ang 1,000 hotel sa iba’t ibang panig ng bansa na aabot sa mahigit 64,000 kuwarto ang iaalok sa mga turista.

Sagot ito nina Puyat at Boncato sa pag-usisa ni Senador Francis Tolentino sa pagdinig sa Senado kamakailan.

Sabi ni Tolentino, kailangang maglabas ang DOT ng “stimulus package for the tourism industry, particularly small hotels, to enable them to stand on their feet” matapos ang ECQ.

Malaki ang ambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa.

Nitong 2019, 9.31 bilyong US dollar ang kabuuang kinita ng bansa mual sa turismo.

Katumabas ito 20.81 porsiyentong pag-angat mula sa 7.71 bilyong US dollar noong 2018.

Batay sa rekord ng NEDA, mahigit sa 10 porsiyento ang naiaambag ng idustirya ng turismo sa GDP ng bansa.

Sukatan ng ekonomiya ang GDP.

Kung pumapalo sa lima hanggang pitong porsiyento ng GDP ng isang bansa kada taon, nangangahulugang maunlad ang ekonomiya ng nasabing bansa.

Akitin ang mga dayuhang negosyante – Gordon

KAILANGANG magbalangkas ang administrasyong Duterte ng “masterplan” upang makumbinsi ang napakaraming negosyante na iniiwanan ngayon ang Amerika.

Sabi ni Senador Richard Gordon nitong Mayo 19, “Our government should come up with a feasible masterplan and adopt a whole-of-government approach to attract foreign investors to capitalize in the Philippines.”

Idiniin ni Gordon na kailangang din ng bansa ng “tailored policies to be able to advance our competitiveness as a country in terms of improving business conditions for these capitalists.”

Iminungkahi ng senador na samantalahin ng administrasyong Duterte ang “away-kalakalan” ng Estados Unidos at Tsina kung saan ang huli ay nagsimula nang mamuhunan at magsipagtayo ng mga negosyo sa Vietnam at Cambodia.

“Speed is the name of the game. In these times of crises, our economic radar should be more aggressive and must always be on the lookout so that we do not miss even a single opportunity. Indonesia is now the main destination for the relocation of US factories and a huge number of US multinational companies are moving there,” paliwanag ng mambabatas mula Olongapo.

Baguhin ang CITIRA – Marcos

DAPAT baguhin ang mungkahing Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) ng administrasyong Duterte, sapagkat hindi ito makatutulong sa mga negosyante ngayong ‘dinagukan’ sila ng ECQ mula Marso 17 hanggang Mayo 15, giit ni Senadora Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos.

Ani Marcos, isama ang administrasyong Duterte sa pagbabago ng CITIRA ang “deeper tax reductions, deferrals, and exemptions.”

“New taxes are the opposite of stimulus packages, which … [the] businesses need right now. Payment of tax dues and collection of tax revenues are likely to be difficult at this time,” paliwanag ni Marcos, pinuno ng Senate Committee on Economic Affairs.

Kaya pinababago ni Marcos ang CITIRA ay dahil “We are trying to prevent a bloodbath, to stem the hemorrhage that is inevitable this year, worldwide. In fact, using the title ‘stimulus package’ is misleading. This is more a rescue package to save lives, jobs, and businesses.”

Ipinaalala rin ng senadora mula Ilocos Norte na hindi makakabawi ang ekonomiya ng bansa kung hindi titiyakin ng administrasyon na “makabawi” ang mga manggagawa, partikular iyong nagtatrabaho sa sektor ng “mirco, small, and medium enterprises” (MSMEs) ngayong umiiral pa rin ang pandemyang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Idinagdag ni Marcos na mainam na isama sa panukalang CITIRA ang kagyat na pagbawas ng limang porsiyento sa corporate income taxes ng mga kumpanya.

“[This is because], in the present version of CITIRA, the slow reduction of corporate income taxes by a mere 1% each year over a 10-year period would be worthless to businesses, considering inflation, currency exchange rates, and other factors through time,” ratsada ni Marcos.

Ipinaalala rin ni Marcos sa administrasyon na “the aversion of the government’s economic managers to calling for a suspension of debt payments to international lenders was out of step with the call of the times.”

“What use is the country’s present BBB rating if we hesitate to bargain or borrow more to shore up the government’s dwindling revenues to fight the pandemic?” susog ni Marcos. NELSON S. BADILLA

Related posts

Leave a Comment