IKAAPAT NA BIKTIMA NG POLIO KINUMPIRMA NG DOH

doh

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang ikaapat na biktima ng polio mula nang lumutang muli ang sakit matapos ang lagpas isang dekada.

Ang ikaapat na kaso ng polio ay mula Mindanao.

Hindi na nagdagdag pa ng detalye ang DOH sa pagkakakilanlan ng biktima.

Ang kumpirmasyon ay inilabas matapos ang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at ng National Institute of Infectious Diseases sa Japan, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Sinabi ni Duque na nagsasagawa na ng vaccination campaign sa lahat ng mga bata na ang edad ay 5 pababa sa mga munisipalidad ng ikatlo at ikaapat na kaso. Ang ikatlong kumpirmadong kaso ay sa 4-anyos na batang babae ng Datu Piang sa Maguindanao na hindi tumanggap ng anumang oral polio vaccine (OPV).

 

88

Related posts

Leave a Comment