INSENTIBO SA NAKA-HOME QUARANTINE

PAG-UUSAPAN ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa COVID-19.

Pag-uusapan na ang bagay na ito, ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“At dapat maging kabahagi natin dito, kasama natin dito iyong PhilHealth and of course, ‘yong healthcare provider that’s accredited by PhilHealth,” dagdag na pahayag nito.

Kailangan din aniyang linawin ng labor department ang regulasyon para sa mga manggagawa na nagkasakit at kailangan na sumailalim sa quarantine.

“Dapat pag-usapan din natin pa’no ‘yong self-employed or those who are not employed, ano ba ‘yong puwede rin nating ibigay na incentive sa kanila,” anito.

At sa tanong kung may sapat na pondo ang pamahalaan para sa posibleng health package at incentives, sinabi ni Nograles na “We’re working on a new budget right now, it’s 2022, so it’s a fresh budget.” (CHRISTIAN DALE)

102

Related posts

Leave a Comment