ISOLATION, QUARANTINE LEAVE APRUB SA EMPLOYERS

MAAYOS na tinanggap ng mga employer ang inilabas na Labor Advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may kinalaman sa pagkakaloob ng isolation at quarantine leaves.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOLE Undersecretary for Labor Relations’ Social Protection and Policy Support Cluster Atty. Benjo Santos Benavidez na wala namang objection na nagpaabot sa kanilang inisyung Labor Advisory, maliit man o malalaking may-ari ng kumpanya.

Sa katunayan, isang araw matapos na iisyu ang Advisory ay marami nang tumawag sa kanila para humingi ng linaw.

Sinabi pa ni Benavidez na bago pa nila ilabas ang Labor Advisory ay may mga kumpanya nang nagpapatupad na o nagbibigay ng additional leave sa kanilang mga empleyado na naka- isolate o naka-quarantine.

Sa kabilang dako, muling binigyang diin ng DOLE official na ang pagbibigay ng paid isolation o quarantine leave ay hindi mandatory.

Ito’y puwedeng gawin ng employer nang kusang loob lamang at hindi sa paraang napipilitan. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment