KAHIT MAY KONTRA: COMELEC TULOY SA BRGY, SK ELECTIONS

james comelec12

(NI HARVEY PEREZ)

TULOY pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa kabila ng plano ni Senator-elect  Christopher ‘Bong’ Go na maghain ng panukala para sa pagpapaliban ng nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa May 2020 election

Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez kasabay ng pahayag na hindi na sila magugulat kung muli na namang maipagpapaliban ang May 2020 BSKE dahil hindi na umano ito bago.

Sinabi ni  Jimenez na madalas namang target ng postponement ang naturang halalan sa magkakaibang dahilan, kaya’t hindi na sila magugulat pa kung muli na naman itong ipagpapaliban.

Sa sandali  namang maisulong at maaprubahan ang pagpapaliban  ng BSKE ay inaasahang lalawig ang termino ng mga kasalukuyang termino ng mga barangay at SK officials, gaya ng mga opisyales na pinalitan nila sa puwesto.

Ayon kay Jimenez , hanggang  wala pang linaw ang postponement , tiniyak  ng poll body na tuloy ang paghahanda nila para sa eleksyon.

Matatandaan na inianunsiyo ni Jimenez na ipagpapatuloy na nila ang voters’ registration sa Agosto 1 hanggang Setyembre 30, 2019 upang makapagrehistro ang tinatayang aabot sa dalawang milyong bagong botante.

70

Related posts

Leave a Comment