KAPUSPALAD TINIYAK NA HINDI MAIIWAN

0

NANGAKO si Senator Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niya ang pagbisita sa mga komunidad sa buong bansa upang mapakinggan ang mga problema ng mga pinakanangangailangang sektor at magbigay ng solusyon sa kanilang pang-araw-araw na suliranin.

“Opo, pangako ko sa Pilipino ‘yan. Bago pa po ako nakaupo bilang Senador, proclamation pa lang… Pagkatapos ng proclamation namin sa PICC, imbes na pumunta po ako sa restaurant para kumain, pumunta po ako sa nasunugan sa Caloocan,” ayon kay Go sa isang ambush interview nang mamahagi siya ng tulong sa iba’t ibang sektor sa Tagum City, Davao del Norte noong Huwebes.

“Doon po ako nakipag-boodle fight sa kanila, dahil pangako ko po ‘yan sa mga kababayan natin. Makapagbigay ng tulong at solusyon sa kanilang mga problema at makapag-iwan po ng kaunting ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati,” dagdag pa niya.

Si Go ay matatandaang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-bise presidente noong Oktubre 2, kasama si Pang. Rodrigo Duterte. Aniya, ang kanyang desisyong tumakbo ay tulak ng kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang legasiya ng administrasyong Duterte.

Nangako rin siyang magiging isang “working vice president,” at binigyang-diin na hindi siya magiging ‘spare tire’ lamang, kundi isang public servant na maaaring sulingan ng mga ordinaryong mamamayan.

“Pagpatuloy ko ‘yung magagandang programa na inumpisahan ni Pangulong Duterte. Nabanggit ko kanina, campaign against drugs, campaign against corruption in government, campaign against criminality, more (infrastructure) projects… Build, Build, Build. And, of course, economic recovery natin. ‘Yung pagbigay ng trabaho at pagsugpo ng kahirapan at gutom,” aniya pa.

Tiniyak din niyang buo na ang kanyang isipan sa pagtakbo sa 2022 vice presidential race, na nagsasaisantabi sa anomang pag-aalala na ang kanyang kandidatura ay bilang paghahanda lamang sa pagtakbo ng ibang tao.

Gayunman, mas nais umano niyang mahalal sa pagka-presidente ang isang taong magsusulong sa continuity na nais ng mamamayan.

“Ako po, handa akong sumuporta kung sino man po ‘yung magiging pangulo. Kung ano po ‘yung natutunan ko kay Pangulong Duterte, itutulong ko po sa magiging pangulo,” ani Go.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment