KITA NG MGA BANGKO SA ATM FEES SAAN NAPUPUNTA?

atm55

(NI BERNARD TAGUINOD)

AALAMIN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan napupunta ang Automated Teller Machines (ATM) fees na kinokolekta ng mga bangko sa kanilang mga depositor.

Ginawa ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng mga pangambang dodoblehin ng mga bangko ang kanilang ATM fees matapos tanggalin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang moratorium sa ATM charges makalipas ang 6 taon.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang House committee on banks and financial intermediaries upang malaman kung saan dinadala ng mga bangko ang kanilang nakokolektang ATM fees.
“What we know is that all sorts of ‘fee income’ now constitute a big chunk of the core earnings of banks, apart from net interest income and trading gains,” ani Pimentel.

Sa ngayon ay P10  hanggang P15 ang ATM fees sa bawat interbank transaction at P2 sa bawat balance inquiry at mas mataas pa ito kapag sa ibang bangko nagwithdraw ang mga ATM cardholders.

“Offhand, we see no justification for banks to impose ATM charges in excess of the P10 to P15 that they are currently collecting per single interbank withdrawal transaction, considering that depositors are merely taking money that they lent to the bank,” ayon sa mambabatas.

Pinalagan din ng mga manggagawa ang napipintong pagtaas ng ATM Fees dahil masasagasaan anila dito ang mga ordinaryong manggagawa na kakarampot lang ang sahod.

Tinawag ni Renato Magtubo ng Partido ng Manggagawa  na “highway robbery” ang ginagawa ng mga bangko dahil sa ngayon aniya ay katumbas ng 3% sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) habang 4% naman sa mga obrero sa  Cavite ang kinokolektang ATM fees sa kanila.

“Doubling the ATM fee would mean banks taking 6 to 8% of the minimum wage of workers per withdrawal. This is highway robbery,” ani Magtubo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment