‘KUPIT’ SA RELIEF GOODS BINUKING SA DILG

BINALAAN ng Department of Interior and Local Government ang mga walang kunsensiyang barangay chairman na natuklasang namumulitika na ay plano pang pagkakitaan ang mga
ipinamamahaging relief goods ngayong umiiral ang Luzonwide “enhanced community quarantine.”

Babala ng DILG, maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga mapatutunayang nangupit sa ipinamamahaging relief goods.

Nakarating sa kaalaman ng DILG na may mga barangay official na nagpa-padding ng kanilang listahan ng mga residente na pagkakalooban ng relief goods.

Kabilang sa report na nakarating sa DILG ang isang barangay chairman na malapit sa Port Area, Manila na umabot umano sa sampung libo ang pangalan sa listahan ng kanyang nasasakupan na dapat bigyan ng relief goods.

Mistulang nakumpirma ang reklamo nang manawagan mismo si Manila Mayor Isko Moreno hinggil sa ilang barangay officials na pinapatungan o pina-padding umano ang listahan ng recipients ng relief packs.

“Please, have a conscience,” ang panawagan ni Moreno.

Umapela rin ang alkalde sa mga negosyante na ginagamit ang kasalukuyang sitwasyon para magkamal ng limpak na kita dahil hahabulin aniya at papananagutin ng pamahalaang lungsod ang mga ito.

Dahil dito, nais ng alkalde na ma-audit ang mga ipinamamahaging ayuda ng mga barangay chairman. JESSE KABEL

65

Related posts

Leave a Comment