LAKWATSERONG CABINET SEC INIIMBESTIGAHAN

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN ng Malacanang na susunod ang mga miyembro ng Gabinete sa inilabas na panuntunan hinggil sa pagbyahe sa abroad.

Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Anti Corruption Commission Commissioner Greco Belgica na may isang Cabinet member na subject na rin ng kanilang imbestigasyon dahil sa sobra-sobrang biyahe sa ibang bansa.

Tumanggi naman si Belgica na pangalanan ang Cabinet secretary na panay ang gala.

Matatandaan na naglabas ang Malacannag ng Executive Order No. 77 na nagtataglay ng mga bagong panuntunan hinggil sa pangingibang bansa ng mga opisyal.

Ilang opisyal na rin ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y labis na pagbiyahe kabilang na ang dating noo’y Presidential Commission for the Urban Poor Chair Gidon, dating Commission on Higher Education chair Patricia Liguanan.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment