LGUs ang magpapasya – Malakanyang INTERNET CAFES IPINAGAGAMIT SA ONLINE CLASSES

0

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga Local Government Unit (LGU) ang pagpapasya kung papayagan nitong magamit ang mga internet cafe sa kani-kanilang mga lugar para sa online schooling ng mga estudyante.

Ito’y sa harap na rin ng nakatakdang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskuwelahan sa darating na Lunes, Oktubre 5.

“Bukas naman talaga iyong mga computer repairs. Ang binigay na po sa mga kapangyarihan ng mga mayor dito sa Metro Manila ay iyong mga internet café. Pero ever since po iyong mga computer shop bukas po iyan,” lahad ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Kung tutuusin aniya ay pang-gaming talaga at pang-social media ang mga internet cafe kaya’t nasa bawat Local Government na aniya ang desisyon kung papayag ang mga ito na gawin din itong pang online learning.

“Well, okay po sana iyan, kaya lang hindi naman ganyan iyong negosyo ng internet café talaga, pang-gaming po iyan at saka pang-social media ‘no,” ani Sec. Roque.

Isa namang nakikita ni Sec. Roque sa mga internet cafe ay ang limitadong espasyo ng mga ito lalo na ang mga nasa bara-barangay lang.

Ito aniya ang tiyak sa magiging concern ng mga alkalde at mula duon ay maaaring gamiting barometro kung papayagan o hindi ang mga internet cafe sa online education. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment