LIBRENG CHECK-UP SA MAHIHIRAP, NAKATATANDA TINUTUKAN NG ACT-CIS

0

LINGID sa kaalaman ng karamihan, ilang mahihirap na mga kababayan at senior citizens ang tinutulungan ng ACT-CIS araw-araw para sa x-ray, ECG, at ultrasound.

Tatlo hanggang limang kababayan ang sinasagot ng ACT-CIS araw-araw sa pagpapa-check up sa doktor.

Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “hindi naman kasi namin maatim na pauuwiin na lang yung mga mahihirap na may nararamdaman pag lumapit sa opis namin”.

“Halimbawa mga buntis kailangan ng ultrasound o mga senior kailangan ng x-ray o ECG, sinasagot na namin yun,” ani Yap.

Dagdag pa ni Yap, ang Erwin Tulfo Action Center ang nakipag-ugnayan sa Medical City Clinic sa Quezon City para sa nasabing libreng check-up.

Pinayuhan naman niyang magdala ng indigency certificate o valid senior citizen ID ang mga lalapit para sa nasabing libreng check-up.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment