LIFETIME VALIDITY SA PASSPORT NG SENIOR CITIZENS, IGINIIT 

passport

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na gawing lifetime ang validity ng pasaporte ng mga senior citizen.

Sa kanyang Senate Bill 1197, nais ni Lapid na amyendahan ang Section 10 ng Republic Act 8239 o Philippine Passport Act of 1996 upang hindi na kailangan ng renewal ng pasaporte ng  matatanda.

Sinabi ni Lapid na bahagi na kultura ng mga Filipino ang pag-aalaga sa mga matatandang miyembro ng lipunan at makikita rin naman ito sa mga batas at polisiyang ipinatutupad sa bansa partikular sa mga ibinibigay na benepisyo sa mga senior citizen.

“From retirement pensions to free medical assistance to discounts in goods and services to express lanes – the list of benefits afforded to them goes on in on. This is a reflection of the importance and significance we ascribed to our lolos and lolas who have worked for and took care of us during their prime years,” saad ni Lapid.

Bahagi anya ito ng pagsusukli natin sa mga kontribusyon ng mga senior citizen sa bawat pamilya at komunidad sa kabuuan.

Nanindigan si Lapid na sa pamamagitan ng kanyang panukala, magiging kumportable sa mga senior citizen ang hindi na pagrerenew ng pasaporte kada 5 o 10 taon lalo na sa mga matatanda na nakatira malayo sa mga consular office.

Alinsunod sa panukala, saklaw nito ang mga 60 anyos pataas at magkatuwang na magpapatupad ang Department of Foreign Affairs at National Commission on Senior Citizen.

 

98

Related posts

Leave a Comment