MAGKAPATID NA DARGANI BIGO PA RING MASAKOTE

BIGO pa rin ang Senado na maipatupad ang arrest order laban sa magkapatid na Dargani na kapwa opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sina Mohit at Twinkle Dargani ay nagtago makaraang magpalabas ng arrest warrant ang Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagtanggi ng mga ito na isumite ang mga hinihinging dokumentong may kinalaman sa transaksyon ng korporasyon sa gobyerno.

Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms retired Major General Rene Samonte, bumalik sila sa sinasabing tahanan ng magkapatid subalit wala rin silang inabutang tao.

“Hindi pa na-locate. Pinuntahan ‘yung dalawang condos last Saturday and Sunday, but still closed and nobody was around,” pahayag ni Samonte.

Sinubukan din anya ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na puntahan ang magkapatid sa address na ibinigay ng isang impormante subalit hindi rin natagpuan ang dalawa sa lugar.

“Yesterday, we tried a house believed to be owned or rented by the Darganis but it was also empty,” dagdag ni Samonte.

Katuwang ng OSAA ang mga tauhan ng Philippine National Police, barangay officials, gayundin ang administrative staff ng condominiums at subdivisions. (DANG SAMSON-GARCIA)

102

Related posts

Leave a Comment