MALABON, MAY ISANG KASO NA NG COVID-19

0

MAY isang COVID-19 positive na sa Malabon City, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Ayon kay Malabon Public Information Office (PIO) head Bong Padua, ang naturang pasyente ay isang lalaki na naka-admit ngayon sa isang ospital sa labas ng lungsod.
“Nananawagan ako sa bawat pamilyang Malabonian: Di baleng matakot, huwag lang mag- panic.

Sundin natin ang mga patakaran ng enhanced community quarantine. Manatili sa inyong tahanan at ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon,” pahayag naman ni Mayor Lenlen Oreta.

Tiniyak din ng alkalde na ginagawa ng pamahalaang lungsod, mga barangay, at iba pang sangay ng gobyerno ang lahat upang matiyak ang kaligtasan at punan ang mga basic na pangangailangan ng bawat pamilya sa siyudad.

Ang Malabon ay may 20 Persons Under Investigation (PUIs) at 98 Persons Under Monitoring (PUMs), base sa huling ulat kahapon. FRANCIS SORIANO

Related posts

Leave a Comment