MALAKANYANG DASAL ANG PAGGALING NI CARDINAL TAGLE SA COVID-19

0

PINAGDARASAL ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle mula sasakit na COVID-19.

Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na umaasa siya na makikiisa ang publiko na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Tagle.

“We extend our prayers of speedy recovery and good health to Cardinal Luis Antonio Tagle following the unfortunate news that he had recently contracted COVID-19 and entreat the public to pray for the good Cardinal as well,” ayon kay Sec. Andanar.

Umaasa rin si Sec. Andanar na gagaling agad si Tagle upang maipagpatuloy nito ang kanyang trabaho at magsilbinf inspirasygn sa mga Katoliko sa panahon ng pandemya.

“May his recovery be immediate so that he can continue to fulfill his good works, and be an inspiration to the Catholic faithful to continue the fight against COVID-19 virus and be on our way to heal and recover as one nation,” dagdag na pahayag ni Sec. Andanar.

Araw ng Biyernes nang ibalita ng The Vatican News na sumasailalim sa quarantine sa Maynila si Tagle bagaman wala itong naipapakitang kahit na anomang sintomas ng nasabing sakit.

Kinumpirma rin ito ng news service ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Mahigpit namang mino-monitor ang naka-close contacts ni Tagle.

Si Tagle ay itinalaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation for the New Evangelization of Peoples sa Vatican noong Disyembre, 2019. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

One Thought to “MALAKANYANG DASAL ANG PAGGALING NI CARDINAL TAGLE SA COVID-19”

Leave a Comment