MALAKANYANG PABOR SA POSTAL VOTING

0

POSIBLENG idaan sa mail at postal voting lalo na sa mga senior citizen at persons with disabilities o PWD’s ang darating na 2022 national elections.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan na ginagawa na rin aniya ng iba’t ibang mga bansa.

Hindi naman inaalis ni Sec. Roque ang posibilidad na baka maikonsidera sa kauna-unahang pagkakataon ang panukalang ito.

Iyon nga lamang, nakasalalay pa rin sa Comelec ang pinal na desisyon at hindi aniya ito panghihimasukan ng Malakanyang.

Sa kabilang dako, hindi maaring maging opsyon ng gobyerno ang pagpapaliban ng eleksyon dahil lamang sa may kinakaharap ngayong krisis sa pangkalusugan.

Sa kanyang pagkakaalam, hangga’t hindi aniya inaamyendahan ng mga mambabatas ang 1987 constitution, mananatiling labag sa batas ang mungkahing temporary postponement ng eleksyon.

Inanunsyo na mismo ng Comelec, na sa halip na ipagpaliban ang halalan ay mas mabuting ipatupad na lamang ang modified form of election dahil sa pamamagitan nito ay bahagyang mababawasan ang physical contact ng bawat isa.

Sa ilalim aniya ng new normal, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga pagbabago sa voting system at mga ginagawang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2022 election. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment